Ang mga Pabida

Donkey Los Stratos - Ang kaaway ni Sidon sa pag ibig kay Caddie Rikka

Tadew - ang payat na alalay ni Donkey Los

Kalatao - ang alagang pet ni Tadew. Cross breed ng Kalabaw at Tao (KALATAO)

Madamme J. Love - Isang dancer sa beerhouse na mahilig tumable at kumalong kung kani-kaninong lalaki. Malaki rin ang pagkakagusto nya kay Donkey Los pero isang mortal na kaaway ni Tadew. Ginawa na nya ang lahat para lang mapaibig ni Donkey Los, kumain ng buhay na dagang bahay, sumigaw sa Ilocos ng CORY CORY CORY!, lumakad mula maynila papuntang baguio at kung ano ano pang shet!

Diva Salon -  Ang no.1 fan ni Donkey Los Stratos na may parluran sa kanto ng P. Campa. Sya rin ang Leader ng Ayuda Gay And Guys Organization (Ay GAGO). Lagi itong may hawak na Curly brush, hair blower at good morning towel . Diva Serena Uyam Salon ang tunay nyang pangalan.

BMS  - short for BANNED MEMBERS SOCIETY. Ang grupo, fans club, supporters, ni Donkey Los Stratos. Sinipa palabas ng kalabang studio dahil sa patuloy nilang pag gamit ng pekeng cd's at dvd. Pag tetext gamit ang Computer Keyboard at kung ano ano pang shet.